"Wika ay Gamitin,
Ating Kultura ay Pahalagahan at Pagyamanin"


Slogan: Para sa amin, wika ang pinakamabisang paraan para mapahalagahan ang ating kultura dahil maaari nitong maiparating sa ibang tao na ang mga Pilipino ay may kulturang ipinagmamalaki tulad na lamang kapag nasa ibang bansa ang isang Pinoy. Gamit ang komunikasyon at wika, maaari niyang maibahagi sa mga tao sa bansang kanyang pinuntahan na ang Pilipinas ay isang bansa na madaming ipinagmamalaking kultura, tradisyon o paniniwala. Wika ang mabisang paraan para mapayaman pa lalo ang ating kultura, halimbawa, maaari nating maibahagi ang ating kultura sa mga bata at sa mga susunod na henerasyon gamit ang pagtuturo natin sa kanila kung saan ay gumagamit tayo ng wika para maipaunawa sa kanila kung gaano ba kahalaga ang kultura ng isang bansa at para maintindihan nila na ang sariling kultura ay hindi dapat ikinakahiya sa iba.

Poster: Makikita na ang background na ginamit namin ay ang watawat ng Pilipinas dahil ang pinapatungkulan namin ay ang Kultura ng ating bansa. Sunod ay ang dalawang larawan sa asul at pulang kulay ng watawat na nagpapakita ng kultura natin at ng pagtuturo nito sa mga bata. Makikita din sa may araw na mayroong dalawang imahe na parang nag-uusap na pumapatungkol sa gamit ng wika para maibahagi ang ating kultura sa ibang tao. Makikita din ang batang yakap yakap ang mundo na ang ibig sabihin ay ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kultura, hindi lamang sa sarili nating bansa kundi pati sa buong mundo. Sunod ay ang batang Pilipino na nakatungtong sa libro na ipinapahiwatig ang pagpapahalaga sa kultura gamit ang paglilimbag ng anumang literatura para maibahagi sa iba. Makikita din ang isang bata na may salakot at mistulang lumabas sa libro pati ang mga alibata/baybayin, na ang ibig sabihin ay, hindi lamang mapapahalagahan ang kultura gamit ang libro na may nakalimbag na kaalaman kundi dapat ginagamit din natin ang wika at komunikasyon para mapahalagahan ito. At ang huli ay ang logo sa bandang taas na nagpapakita ng pagiging emosyonal nating mga Pilipino (pagiging masayahin ang pinakanangingibabaw sa atin).

Inihanda at Ipinasa nina: George Panaligan De Villa, Jr.
                                         John Benedick M. Lat

                                      : 11 - Kindness

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento