"Wika ay Gamitin, Ating Kultura ay Pahalagahan at Pagyamanin" Slogan: Para sa amin, wika ang pinakamabisang paraan para mapahalagahan ang ating kultura dahil maaari nitong maiparating sa ibang tao na ang mga Pilipino ay may kulturang ipinagmamalaki tulad na lamang kapag nasa ibang bansa ang isang Pinoy. Gamit ang komunikasyon at wika, maaari niyang maibahagi sa mga tao sa bansang kanyang pinuntahan na ang Pilipinas ay isang bansa na madaming ipinagmamalaking kultura, tradisyon o paniniwala. Wika ang mabisang paraan para mapayaman pa lalo ang ating kultura, halimbawa, maaari nating maibahagi ang ating kultura sa mga bata at sa mga susunod na henerasyon gamit ang pagtuturo natin sa kanila kung saan ay gumagamit tayo ng wika para maipaunawa sa kanila kung gaano ba kahalaga ang kultura ng isang bansa at para maintindihan nila na ang sariling kultura ay hindi dapat ikinakahiya sa iba. Poster: Makikita na ang background na ginamit namin ay ang watawat ng Pilipi